Apat na bayan sa Pampanga, wala nang aktibong kaso ng COVID-19

Wala nang aktibong kaso ng COVID-19 ang apat na bayan sa Pampanga.

Kabilang dito ang bayan ng Sasmuan, Apalit, Minalin at San Luis.

Habang meron na lang tig isang aktibong kaso ang bayan ng Magalang, Sta. Rita, Arayat, at Sta Ana.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Gayundin ang munisipyo ng Candaba, Macabebe, Masantol at San Simon.

Habang ang bayan ng Mexico ang may natitirang pinaka maraming aktibong kaso sa buong Pampanga na nasa 19 pa.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ang agresibong pagbabakuna naman ng pamahalaan ang nakikitang dahilan sa pagbaba ng mga COVID cases sa lalawigan.