11 brgys sa Koronadal, wala ng kaso ng Covid-19

KORONADAL CITY — LABING-ISANG barangay na sa Koronadal ang wala ng kaso ng Covid-19 ayon sa Data Monitoring Center ng lungsod simula kahapon Disyembre 5, 2021.

Ito ang kinabibilangan ng mga barangay ng Assumption, Avanceña, Cacub, Concepcion, Esperanza, Mabini, Magsaysay, Mambucal, New Pangasinan, Paraiso, at Topland.

Napag-alamang nasa 39 na mga positibong kaso ang naitala sa lungsod sa kaparehong araw kung saan 9 na positibong kaso ang naitala sa Barangay Santa Cruz na siyang nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming kaso.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sinusundan ito ng Barangay GPS na may anim na kaso, Zone IV- apat, San Isidro – tatlo, tig-dalawa sa Zone II, Zone III, Sto. Niño, Rotonda, Carpenter Hill, at Caloocan, at tig-isa naman sa Zone I, Saravia, San Roque, San Jose at Namnama.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Napag-alamang umabot na sa 104% o 141, 837 ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa lungsod ayon sa target na 135, 297 na mabakunahan upang maabot ang herd immunity.

Sa nasabing datus, 70 % o 94,759 dito ang partially vaccinated at 34% o 47,078 naman ang fully vaccinated.