Panibagong National Vaccination Days sa December 15 – 17, inanunsiyo ng NTF

Hindi pa man natatapos ang itinakdang tatlong araw na National Vaccination Days na gaganapin sa Nobyembre 29 hangang Disyembre 1, inihayag ng National Task Force against COVID19 na muli silang magkakasa nang kaparehong aktibidad.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Sa isang pahayag sinabi ng task force na ang ikalawang bugso ng National vaccination days ay gaganapin sa December 15 hangang 17 ngayong taon.

Pursigido ang pamahalaan na makamit ang target vaccinated individuals bago ang May 9 2022 sa pamamagitan ng pinalakas na COVID vaccination drive.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Una nang inihayag ng IATF na mayroon sapat na suplay ng bakuna para sa malawakang bakunahan sa buong bansa.