12 patay sa pagsalakay ng mga militiamen sa Congo

Patay ang labindalawang tao matapos salakayin ng militiamen ang kampo ng mga displaced people sa Democratic Republic of Congo.

Ayon sa monitoring group, ang pag-atake sa north-eastern province ng Ituri ay isinagawa ng militias na nagsasabing ipinagtatanggol nila ang Lendu community.

Read More:  Cristiano Ronaldo announces retirement from Portugal national team

Napag-alamang ang mga tao sa camp ay miyembro ng kalabang Hema community.

Ang armadong grupo ng Cooperative for the Development of Congo na karamihang miyembro ay Lendu ang itinuturong nasa likod ng pagpatay sa daan-daang sibilyan sa Ituri sa nakalipas na dalawang taon.

Read More:  Over 400,000 respiratory infection cases recorded in Indonesia amid wildfires and haze

Pinaniniwalaang mas mataas pa sa nasabing bilang ang totoong casulaty sa nasabing pagsalakay.