DepEd: Mas maraming studs nag-enrol sa formal basic educ SY 2021-2022

Nakapagtala ang Department of Education (DepEd) ng 4-percent increase sa bilang ng mga estudyante na nag-enrol sa formal basic education classes.

Noong mid-November, ang enrollment count ay nasa 27.23 million, mas mataas ng higit milyon o 3.8 percent kumpara sa datos noong nakaraang school year.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sa datos ng Learner Information System (LIS) ng Deped, lumalabas na ang enrollment sa public schools ay tumaas ng 5.25 percent o 1.19 million kumpara noong nakaraang taon na bilang.

Samantala, ang enrollment naman sa private schools, state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), at overseas schools ay nagtala ng bahagyang pagbaba.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Sinabi naman ng ahensya na ang naturang datos ay hindi pa pinal dahil may 520 paaralan pa ang hindi pa nag-aupdate ng kanilang enrollment profile sa LIS. //MHEL PACIA-TRINIDAD