Suporta ng simbahan kailangan para sa pagpapabilis ng vaccination roll-out – Provincial Government

SORSOGON CITY – Hiningi ng Pamahalaang Panlalalawigan ng Sorsogon ang suporta ng Simbahang Katolika para sa pagpapabilis ng pagbabakuna kontra COVID-19.

Sa pahayag ni Governor Chiz Escudero, sinabi nito na dapat nakikiisa ang simbahan sa paghikayat sa mga mamamayan na magpabakuna sa pamamagitan ng kanilang mga misa at iba pang mga programa lalo pa at batid naman aniya ng mga ito na halos 80-90% ng populasyon sa lalawigan ay pawang mga Katoliko.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing
Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Dagdag pa ng opisyal na bagama’t mayroong ilang relihiyon o sekta na hindi naniniwala sa epekto ng bakuna hindi pa rin ito makakaapekto kung lahat ng Katoliko ay magpapabakuna.