Ravena, nasuspinde ng 2 laro at pinagmulta ng San-En

Pinatawan ng San-En Neophoenix si Thirdy Ravena ng suspensyon at pinagmulta dahil sa damage na idinulot nito sa signboard ng isang sponsor.

Sa isang pahayag na naka-post sa website ng San-En, ay sinabi nito na nangyari ang naturang insidente noong November 14, o sa araw na nakalaro nito ang Toyama Grouses.

Dahil sa ginawa ni Ravena ay napatawan ito ng disciplinary action at pinagmulta ng 100,000 yen o tinatayang nasa P44,000.

Read More:  UP Fighting Maroons extend winning streak to six after defeating Adamson in UAAP Season 89

Nasuspinde rin si Ravena para sa susunod na dalawang laro ng San-En laban sa Seahorses Mikawa na naka-schedule sa December 4 at 5.

Agad naman humingi si Ravena ng paumanhin sa Neophoenix Boosters, sponsors, management, at sa kaniyang mga teammates at coaches, lalo na sa organisasyon ng Toyama Grouses.

Read More:  Pinoy surfer John Mark Tokong advances to Round 2 of World Surf League

Inihayag ni Ravena na pinangunahan siya ng kaniyang emosyon dahil sa serye ng mga pagkatalo ng kanilang kuponan.

Matatandaan na natalo ang San-En sa dalawa nitong laro noong weekend laban sa Toyama Grouses, na team ni Dwight Ramos sa Japanese league.