Christmas markets sa Germany, nalagay sa alanganin; COVID-19 cases, muling sumipa

Nalagay sa alanganin ang muling pagbubukas ng Christmas markets sa Germany sa gitna ng pagsipa muli ng mga kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.

Habang nagkukumahog na ang gobyerno sa pagresponde sa biglaang pagtaas ng infections sa nakalipas na dalawang linggo, ay meron nang ilang traditional markets ang nakansela ang pagbubukas.

Meron naman ilan ang patuloy na naghihintay sa mga magiging desisyon ng gobyerno.

Inaasahan naman na magbubukas sa November 22 ang Striezelmarkt sa Dresden, na itinuturing na pinakamatandang Christmas market sa Germany, na madalas dayuhin ng tinatayang nasa 3-milyong katao taon-taon.

Nakapagpatayo na ang mga stallholders ng kanilang huts na gawa sa kahoy,ngunit may posibilidad na ipatanggal kaagad ang mga ito anumang oras.

Samantala, inaasahan naman na pagpupulongan ng central government at ng mga lider ng 16 na states ng Germany ngayong linggo ang mga ipatutupad na bagong national measures.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *