Aprubado na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang gradual resumption ng limited face-to-face classes para sa lahat ng programa sa tertiary level sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level system.
Sa ilalim ng IATF Resolution 148-G dated November 16, nakasaad na gagawin ang resumption ay gagawin sa iba’t-ibang phases.
Sa Phase 1 na ipapatupad simula sa December 2021, ang lahat ng higher educational institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay maaring mag-aplay, at sa Phase 2 implementation period na magsisimula naman sa January 2022, ang lahat ng HEIs naman sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 ang maaring mag-aplay.
Nakasaad sa resolusyon na dapat patuloy na ipatupad ang proactive measures at restrictions upang mapabagal ang surge sa mga kaso ng COVID-19, at mapigilan ang lalo pang pagkalat ng mga variants, at maprotektahan ang mas marami pang buhay.

Matatandaan na sa parehong resolusyon, inaprubahan ng IATF ang limited in-person classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Levels 1, 2 at 3 sa gitna ng COVID-19 pandemic. //MHEL PACIA-TRINIDAD