LGUs, bumubuo na ng ordinansa na magba-ban sa unvaxxed kids sa public spaces

Bumubuo na ang ilang local governments ng mga ordinansa na magbabawal sa mga unvaccinated children na pumasok sa mga public spaces gaya ng malls.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, inatasan ni Secretary Eduardo Año ang mga alkalde na pag-aralan na ang bagay na ito.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Una nang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local governments na ipatupad ang panukala na maglilimita sa pagpasok ng mga minors, lalo na ang mga unvaccinated, sa mga malls at iba pang establisyemento, matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang taong gulang na bata, nang magpunta ng mall.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Pero ayon sa Department of Health, ito ay isolated case lamang.

Mababatid na pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang mga minors na makapasok sa malls sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2, pero dapat may kasamang fully vaccinated adult. //MHEL PACIA-TRINIDAD