BICOL – NAKATAKDANG tumanggap ng cash assistance ang aabot sa 111,880 na mga magsasaka sa rehiyon mula sa Department of Agriculture Bicol sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program.
Ayon kay DA-Bicol spokesperson Emily Bordado, sa ilalim ng nasabing programa tatanggap ang mga validated rice farmers na nakalista Registry Systems for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA)
at nagma may ari ng hindi tataas sa dalawang ektaryang lupain ng limang pisong cash aid.
Sa ngayon umano ay nakapag transfer na ang DA ng nasa 446.7 million pesos sa Development Bank of the Philippines na siyang ipapamahagi sa first batch habang hinihintay pa ang Special Allotment Release Order o SARO ng aabot sa 118.8-million pesos na RCEF-RFFA fund.
Samantala, sa 111,880 rice farmers na tatanggap ng nasabing ayuda sa rehiyon, may pinakamaraming benepisyaryo ang Camarines Sur na may 33,602, sinundan ng Albay na may 28,296; 18,705 sa Sorsogon; Masbate na may 17,829; 7,843 sa Camarines Norte at Catandunes na may 5,605.
Tatanggap ang nasabing mga benepisyaryo ng Intervention Monitoring Cards na siyang magsisilbi nilangng proof of identification at cash cards.
Ang pondo na ginamit sa programa ay magmula umano sa “excess tariffs” mula sa 10 bilyong pisong Rice Competitiveness Enhancement Fund na naisakatuparan sa pamamagitan ng RA 11203 o Rice Tariffication Law na layong matulungan ang mga local rice farmers na mapababa ang production cost at mataas ang kanilang kita.