20 barangay sa Mabalacat city, COVID free na

COVID free na ang karamihan ng mga barangay sa Mabalacat city.

Sa anunsyo ng syudad, mula sa 27 barangay ng Mabalacat, 20 na rito ang COVID free.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Gayunpaman, nakikiusap pa rin si Mabalacat city mayor Cris Garbo sa mga residente sa kanilang lungsod, na huwag magpakampante kahit bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Read More:  ₱676.6 million worth of illegal drugs destroyed in Cebu City

Ang vaccination drive naman ang nakikitang rason ng alkalde sa pagbaba ng COVID cases sa kanilang lungsod.

Kung maaalala ang Mabalacat City ang nangunguna sa Central Luzon sa vaccination coverage.