Karagatan ng Bataan nagpositibo sa red tide

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Acquatic Resources Region 3 laban sa pagkuha ng shellfish tulad ng tahong, talaba, tulya at alamang sa karagatang sakop ng Bataan.

Ito ay matapos na magpositibo sa red tide ang probinsiya base na rin sa pagsusuri ng BFAR.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Pinapayuhan ang publiko na huwag munang kumuha o manghuli ng mga nabanggit na lamang-dagat.

Read More:  Abdulraof Macacua elected first BARMM chief minister

Samantala, ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas naman umanong kainin basta lilinisin lamang ng mabuti at tatanggalan ng lamang-loob o ng aligue bago ito iluto.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text