Pagbakuna sa pediatric population umarangkada na sa Bicol region

BICOL—Umarangkada na simula kahapon ang pagbakuna sa mga kabataang edad 12 hanggang 17-anyos o pediatric population sa ilang mga lugar sa Bicol region.

Ayon sa Department of Health (DOH) Bicol, kabilang sa mga identified vaccination sites para sa mga kabataan ay ang tatlong DOH Hospitals gaya ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) sa lungsod ng Legazpi, Bicol Medical Center (BMC) sa Naga City at ang Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center (BRGHGMC) sa Cabusao, Camarines Sur.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Maging ang mga kabataang may comorbidity ay babakunahan din pero kailangan nilang kumuha ng medical certificate mula sa kanilang doktor o pediatrician hinggil sa kanilang karamdaman bago ang kanilang scheduled vaccination.

Kaugnay nito ay siniguro ng DOH na tanging COVID-19 vaccines na may Emergency Use Authorization (EUA) approval ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ang siyang ibabakuna sa mga kabataan.

Kinumpirma ng ahensya na tanging Pfizer at Moderna ang mayroong EUA para sa Pediatric Population.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Bibigyan din nito ang mga Local Vaccinations Operations Center (LVOCs) sa mga lokalidad kasabay ng ibinabang implementing guidelines para sa pediatric vaccination sa mga LGUs at Vaccination sites.

Hinihimok naman ng kagawaran ang lahat ng mga Bicolanong edad 12-anyos pataas na magrehistro at makiisa sa COVID-19 vaccination program.

Maaaring makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga Rural Health Unit para sa karagdagang impormasyon hinggil sa nagpapatuloy na bakunahan.###