51 na magsasaka sa anim (6) na barangay sa Polangui, Albay pinautang ng isang banko para sa pagtatanim ng mais

LEGAZPI CITY – Binigyan ng pautang ng Landbank of the Philippines (LBP) ang mga magsasaka sa bayan ng Polangui upang mapunuan ang mga kailangan sa pagtatanim. Ayon kay Mayor Andy Mariscotes ng Polangui Albay, 51 magsasaka sa anim na barangay ang magiging benepisyaro nito na pautang.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Aabot sa P25K ang makukuha ng mga benepisyaryo at walang karampatang interes para makapagtanim ng mais na maaaring bayaran sa loob ng sampung taon. Ang mga napiling magsasaka ay mula sa Barangay Pinagdapugan, Amoguiz, Cotmon, Maynaga, Itaran at Lidong.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon pa sa lokal na Pamahalaan, ito ay isa sa mga napakaraming programa ng Department of Agriculture (DA)-Polangui sa pamamahala rin ni Municipal Agriculture Officer Alfredo A. Mariscotes. Dumalo din sa programa sina Konsehal Anong Arive at Konsehal Jogon Gonzales sa magagandang proyekto para sa bayan .