Binasag ng Pinoy karateka na si James delos Santos ang sarili nitong record matapos nitong masungkit ang kaniyang ika-37 gintong medalya sa online kata noong Biyernes.
Natalo ni delos Santos, na world top ranked e-Kata player si Matias Moreno Dormont ng Switzerland sa finals ng Athletes’ E-Tournament.
Dahilan ito upang malampasan ni delos Santos ang 36 gold medal record na naabot nito noong nakaraang taon.
Bago makatapat ni delos Santos si Dormont ay una muna niyang tinalo si Sergio De Cabo ng Spain.
Plano naman ni delos Santos na dagdagan ang kaniyang gold record sa pamamagitan ng mga natitirang kompetisyon ngayong taon.
