Bicol region muling nagtala ng mataas na recoveries at kakaunti na lamang na kaso ng COVID-19 kahapon

BICOL—Muling nagtala ng mataas na bilang ng mga bagong gumaling sa COVID-19 ang Bicol region habang bahagya nang bumaba ang mga bagong kaso nito.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, 297 ang mga bagong recoveries kung saan 215 nito ay mula sa Camarines Sur, 32 sa Naga City, 24 sa Catanduanes at tig-13 sa Masbate at Sorsogon.

Sa kabuuan ay pumalo na sa 35,267 (77.88%) ang bilang ng mga gumaling sa sakit sa rehiyon.

Samantala, 164 ang mga bagong kaso, mas mababa na kumpara sa mga dating naitatalang kaso na umabot sa daily average na 400 nitong mga nagdaang buwan.

51 ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan 16 nito ay mula sa Virac, 14 sa Caramoran, siyam sa San Andres, apat sa Baras, tatlo sa Panganiban, dalawa sa Pandan at tig-iisa ang Bato, San Miguel at Viga.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

48 ang bagong kaso sa Camarines Sur kung saan 15 nito ay mula sa Nabua, 14 sa Naga City, siyam sa Magarao, tatlo sa Buhi, dalawa sa Pamplona at tig-iisa ang Garchitorena, Lagonoy, Milaor, Pili at Tigaon.

Ang Albay ay nagtala ng 47 na bagong kaso kung saan 14 ang mula sa Legazpi City, pito sa Camalig at Tabaco City, anim sa Daraga, apat sa Ligao City at Manito at tig-iisa ang Guinobatan, Libon, Polangui, Santo Domingo at Tiwi.

13 ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan anim ang mula sa Sorsogon City, tigdalawa ang Bulan at Bulusan at tig-iisa ang Castilla, Gubat at Juban.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Lima ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan tigdalawa ang Jose Panganiban at Talisay at isa naman sa bayan ng Paracale.

Zero new case naman ang islang lalawigan ng Masbate. Sa kabuuan ay umaabot na sa 45,286 ang cumulative cases ng COVID-19 sa Bicol region kung saan 8,521 (18.82%) pa nito ang aktibong kaso.

Pumalo naman sa 1,498 (3.31%) ang death toll matapos madagdagan ng pitong bagong nasawi kung saan tatlo nito ay mula sa Sorsogon at tigdalawa ang Albay at Legazpi City.

Kaugnay nito as patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm