Luis at Jessy, ibinida ang kanilang rental home

Ibinida ng mag-asawa na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang magiging pansamantalang tirahan sa loob ng dalawang taon.

Makikita sa vlog na hindi karamihan ang mga kagamitan sa loob ng bahay, ngunit marami itong paintings ng Filipino artists tulad ng mga obra nina Erwin Borlongan at Ramon Orlina.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Ipinunto ni Luis na mula sa limang bahay na kanilang napuntahan ay napili nilang rentahan ang 4-bedroom house.

Ayon sa aktor ay ayaw rin naman nila ng malaking bahay kung saan ay silang dalawa lamang ang titira.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Ipinaliwanag ni Luis na titira muna sila ni Mendiola sa nasabing bahay habang sumasailalim sa rennovation ang kanilang orihinal na tahanan.