Team ni Go, tinulungan ang mahigit 100 na residente ng Digos City; Gov’t binibilisan ang vaccine rollout para makarating sa low-income workers

Muling tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga manggagawa na exposed sa COVID-19 pandemic na magbibigay ang gobyerno ng access para sa ligtas at epektibong bakuna.

Kaugnay nito, sa relief activity na ginawa sa Digos City, Davao del Sur, nagbigay ang grupo ni Go ng pagkain, food packs, vitamins, masks at face shields sa 145 benepisyaryo sa Digos City Gymnasium.

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Maliban dito, nabigyan rin ang mga piling workers ng bagong sapatos, habang ang iba ay nakatanggap ng besekleta na makakatulong sa kanilang pag-commute sa gitna ng limitadong transportasyon.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Samantala, may nakatanggap naman ng computer tablets na makakatulong sa kanilang mga anak sa pag-aaral sa ilalim ng blended learning set-up.