Malawakang kampanya kontra sa “Concepcion Gang” mas pinaigting ng Albay provincial mobile force company

 LEGAZPI CITY – Kamakailan lamang ay inilunsad ng panrehiyong himpilan ng pulisya ng Bicol, sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO ang pangmalawakang operasyon upang imulat ang mga mamamayan patungkol sa mga iligal na gawain at mga krimen na kinasasangkutan ng notoryus na grupo na Concepcion Criminal Gang.

 Ayon sa Albay PPO, marahil hindi batid ng nakararami na bagama’t ang nasabing grupo ay nakabase sa bayan ng Libon, Albay, ay marami din itong kinasasangkutang krimen sa ibat-ibang bahagi ng probinsiya at maging sa mga kalapit lugar nito. Kaya naman, bilang tugon sa pangmalawakang kampanya ng Police Regional Office 5, ang Albay 1st Provincial Mobile Force Company ay nakibahagi na rin sa nasabing laban.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

 Nagtungo ang mga miyembro ng nabanggit na yunit, na pinangunahan ni PLT ANDREW N CUYA, 3rd Platoon Leader, sa Barangay San Jose, sa nasabing bayan, at agad na nakipag-ugnayan kay Barangay Kapitan Alex Repato ng nasabing barangay, para sa pagsasagawa ng diyalogo sa mga residente.

Naging matagumpay na ibinahagi ng mga Albay 1st PMFC sa mga nagsipagdalong mga residente ng naturang lugar ang mga iligal na gawain ng nasabing kriminal na grupo at ang mga kasong kinasasangkutan nito.

 Hinikayat rin nila ang mga mamamayan na makiisa sa kapulisan at ipagbigay alam ang iba pang mga maling gawain ng grupo, at magbigay ng mga impormasyon na makapagpapadali sa paghahanap sa mga miyembro nito, nang sa gayon ay mapanagot ang mga salarin at mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima nila. Ibinahagi rin ng mga operatiba ang ibat-ibang kasong kinasasangkutan ng mga miyembro ng nasabing grupo upang lalong mamulat ang mga mamamayan at itigil na ang pagbibigay suporta sa kriminal na grupo.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

 Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga mamamayan siguradong mas mapapabilis ang pagsugpo sa mga iligal na gawain at pagbuwag sa nasabing grupo na lubos na nagbibigay ng pangamba sa mga Albayano at nakakaapekto sa kaayusan at kapayaapan sa rehiyong Bicol.