Mahigit 5 million pesos na medical supplies, mga gamot at food packs, ipinamahagi ng PCSO sa Cagayan Valley

Namahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang nasa 5 million pesos na halaga ng medical supplies, mga gamot at food packs sa ibat ibang local na pamahalaan, national government agencies at educational institutions dito sa Region 2.

Ang turn-over ceremony ay isinagawa sa Police Regional Office No. 2 Covered Court sa Tuguegarao City.Kabilang sa mga recipient na kumakatawan sa PNP ay sina Police Colonel Renell Sabaldica, Provincial Director, Cagayan PPO; Chief Inspector John Dulin, Bureau of Fire Protection Region 2; at Local Chief Executives ng Cagayan, Nueva Vizcaya at Kalinga Provinces.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang mga wheelchair, stretcher, hospital bed, mask, gloves, personal protective equipment at mga gamot na nagkakahalaga ng Php5, 298,240.00 ay tinanggap ng mga nabanggit na indibidwal.

Ayon sa pagsasalita ni Vice-Chairperson at General Manager Royina Garma, ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigay ng charity funds para sa mga nangangailangan.

Tiniyak ng opisyal na nakahanda ang kanilang tanggapan na magbigay ng tulong lalo na ngayong pandemya.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Gayuman, nakiusap siya sa mga LGU’s at NGA o anumang organisasyon na nais makakuha ng ayuda mula sa PCSO na agad ayusin ang kanilang liquidation upang maiwasang magkaroon ng problema.Samantala, nagpahayag naman ng pasasalamat si GM Garma sa pamunuan ng PRO2 sa pagbibigay ng tulong at suporta sa PCSO bilang kanilang partner agency sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.

Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng 87th Founding Anniversary ng PCSO.