Sampung sako ng mga basura, nahakot sa underwater at coastal clean-up sa bayan ng San Vicente

Nagsagawa ng Underwater at Coastal Clean Up drive ang mga awtoridad, kabataan at mga Pribadong organisasyon sa Bgy. Port Barton San Vicente Palawan nitong Biyernes, ika-29 ng Oktubre 2021.

Read More:  2 dead, 2 injured after van crashes into two motorcycles in Cebu

Ayon sa Scubasurero isang Non-Government Organization, ang layunin ng aktibidad ay upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng lugar bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng turismo.

Nasa mahigit sampung sako ng basura ang nakolekta at karamihan sa mga ito ay mula sa ilalim ng dagat.

Read More:  5 injured after military vehicle overturns and plunges into creek in Aklan

Mensahe naman ng Sanguniang Kabataan ng Bgy. Port Barton ay Maging Matalino ang Bawat isa, Ang Karagatan ay hindi basurahan.