Estudyante, nahulihan ng hinihinalang Marijuana sa Puerto Princesa

Arestado ng City Police Drug Enformcent Unit ng Puerto Princesa City Police Office at Puerto Princesa City Anti- Crime Task force ang isang drug suspect na si Carlo Romeo Zapanta Y MNU alias Carlo, 23 anyos (SLI/Pusher) sa Purok Waling-waling, Brgy. Maunlad dito sa lungsod.

Read More:  ₱1-M misdeclared medical device shipment seized by BOC in Cebu

Ganap na 12:05 ng tanghali ngayong Lunes ay nahuli sa drug buybust operation ang binata at nakumpiska umano sa kanya ang isang (1) heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng Marijuana. Nang kapkapan umano ang suspek ay narekober sa kanya ang dalawang libong- piso na buybust money, 1 pakete ng hinihinalang marijuana at dalawang cellphone.

Read More:  Man shot dead in Cebu; romantic dispute eyed

Tinatayang aabot sa  0.72 gram ang timbang ng nakumpiskang ebidensya mula kay Carlo na ngayon ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.