HPG tutulong sa pilot-study sa pagtataas ng kapasidad sa public transport

Inatasan ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar ang Highway Patrol Group (HPG) na tumulong sa Department of Transportation (DOTr) kaugnay sa 30-day pilot study sa pagtataas ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon.

Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na taasan ng hanggang 70 percent ang operational capacity ng mga public utility vehicles (PUVs).

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Ayon kay Eleazar ang HPG ang magbabantay kung sinusunod ba ang minimum public health standards ng mga commuters.

Read More:  PNP renews call for Bato to surrender as deadline ends

Dagdag pa nito nakasalalay umano ang pilot study kung handa na ba ang public transportation sa pagbabalik ng full operations nito sa gitna ng pandemic.