COVID-19 status sa NCR malaki ang tiyansang maibaba sa Alert level 2 – DOH

Kinumpirma ng Department of Health na malaki ang tiyansang maibaba ang COVID-19 status sa Metro Manila sa mga susunod na araw.

Ayon kay Health Usec. Rosario Vergeire ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng naturang sakit.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Paliwanag ni Vergeire sa ngayon nasa low risk utilization na sa mga hospital ang parehong ICU at ward beds.

Subalit binigyan diin naman opisyal na may 12 pagamutan pa rin ang may mataas na intensive care unit utillization rate, habang pito naman ang mayroong high risk ward bed occupancy.

Read More:  Government flags all shipments from Laos after ₱1.36-B shabu seizure

Kasalukuyan naman nasa 7.7 ang daily rate sa NCR at kung bababa pa ito sa 7 ayon kay Vergeire, dito na pwede sabihin ng DOH na maaari nang ibaba sa alert level 2 ang Metro Manila.