1 sa 4 na Pilipino nao-ospital dahil sa COVID-19 nasa peligro ng stroke at iba pang disorders

Isa sa bawat apat na Pilipinong naoospital dahil sa COVID-19 ang nasa peligro ng stroke at iba pang disorders na nakakaapekto sa utak ng tao.

Ito ang lumabas sa pag-aaral na isinagawa ng Philippine Neurological Association. Ayon sa retrospective study, sa 10,881 FIlipinos na na-diagnosed ng COVID-19 sa 37 ospital sa buong bansa, 26% ang nakitaan ng neurological symptoms.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Kabilang sa mga sinasabing common na neurological complications ang stroke at encephalopathy na nakakaapekto sa istruktura ng utak.

Nakasaad pa sa pag-aaral na bagamat karamihan sa mga nasawi sa COVID-19 ay dahil sa respiratory diseases, 23% sa mga ito ang nagkaroon ng neurological defictis.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Ipinaliwanag ni Dr. Epifania Collantes, head ng UP-PGH stroke services na ang mga ganitong neurological manifestation ay nakakaapekto sa central nervous system o ang brain and spinal cord ganun din ang nerves and muscles.