World Bank aid sa bansang Sudan, sinuspendi kasunod ng kudeta

Sinuspende ng World Bank ang aid nito sa Sudan kasunod ng kudeta na nagpatalsik sa civilian government nito.

Maliban sa WB, nagsuspende na din ng tulong ang African Union dahil sa tinawag nitong “unconstitutional” na pag-agaw nito sa kapangyarihan.

Read More:  9 dead after business jet crashes into residential area in Florida

Dahil dito, nangangamba ang marami sa magiging epekto nito sa ekonomiya ng Sudan na nagsisimula pa lamang na bumangon.

Iginiit ng WB at AU na ibalik ng coup leader na si General Abdel Fattah Burhan ang civilian government .

Read More:  India’s air pollution worsens ahead of Diwali celebrations

Matatandaan na tensyunado ngayon ang Sudan na pinainit pa ng pag-aresto ng military junta sa mga political leaders na nagresulta sa nationwide protest at pagkondena ng international community.