KORONADAL CITY- MAS marami ng benepisyo na makukuha sa Pag-IBIG Loyalty Card Plus ng Home Development Mutual Fund o HDMF.
Ayon kay HDMF-Pag-IBIG Koronadal Branch Head Engr. Marlon Barluado na ang bagong Pag-IBIG Loyalty Card Plus ay nagsisilbi na rin ngayong bilang savings account at cash card kung saan dito na ipapasok ang mga proceeds mula sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan at Modified Pag-IBIG II Savings dividend ng miyembro.
Sa pamamagitan din nito, makaka-avail ang mga Pag-IBIG members ng exclusive discounts at rewards sa mga grocery purchases, tuition fee,hospital bills, fuel expenses, restaurant bills at marami pang iba mula sa mahigit 300 partner-establishments nito nationwide.
Sa mga gustong kumuha ng Pag-IBIG Loyalty Card Plus, makipag-ugnayan lamang sa Pag-IBIG Koronadal Branch.
Ang pagkuha ng naturang card ay nagkakahalaga ng P 125 at may expiration date na hanggang sampung taon.
