Pagbisita sa mga sementeryo sa Undas, bawal sa Koronadal

KORONADAL CITY – PINAGBABAWALAN ang publiko sa pagpasok sa mga pampubliko at pribadong sementeryo, memorial parks, at kulombaryo sa lungsod ng Koronadal mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2021.

Ito ang ayon sa Executive Order No. 48 ng city government.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Layunin ng nasabing kautusan na maging ligtas ang bawat Koronadaleño habang inaalala ang kanilang mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Sa kabila nito, maaari namang bumisita sa mga pribado at pampublikong sementeryo, libingan at kolumbaryo bago matapos ang petsang itinakda ng E.O.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Mahigpit namang pinaaalalahanan ang publiko na masunod ang mga Public Health and Safety Protocols upang maiwasan pagkalat ng COVID -19.