Bomba at mga gamit pampasabog, nahukay ng tropa ng gobyerno sa Bulan, Sorsogon

SORSOGON CITY – Nasa dalawang anti-personnel mine at iba’t-ibang gamit pampasabog ang nahukay ng pinagsanib na puwersa ng military at pulis sa Brgy Dolos sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng 31st Infantry Battalion, nahukay nila ang mga pampasabog, mga 30-35 metros ang layo sa isang bahay, kung saan patuloy ang kanilang imbestigasyon kung ang may ari ng bahay ay may koneksyon sa nasabing pampasabog na nakabaon sa lupa.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Maliban sa dalawang IED, nahukay din ang isang IED/ anti-tank mine na may sukat na 9 na dyametro at 8 pulgadang haba, 53 molotov casing, 13 anti-personnel mine casing kabilang ang bolts at halos 2 kilong nuts, 66 metro ng wire at isang sira na binocular.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Ayon pa sa 31st IB, natukoy nila ang kinaroroonan ng mga pampasabog sa nakuha nilang impormasyon sa isang mapagkakatiwalaang source.

Nasa pangangalaga ngayon ng nasabing batalyon ang mga nakumpiskang pampasabog.