Govt, target tapusin ang COVID vaccination sa mga minors sa Disyembre

Target ng gobyerno na tapusin ang COVID-19 vaccination sa mga minors sa Disyembre, upang makatutok sila sa pagbibigay ng third dose para sa mga health workers at iba pang sektor.

Giit ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., kailangang bilisan ang pagbabakuna sa mga minors, para maprotektahan ang mga ito laban sa severe COVID-19 at hospitalization, muling mabuksan ang lahat ng paaralan, protektahan ang education sector, pigilan ang social risks sa mga bata at matanda, palakasin ang ekonomiya, at marekober ang nawalang oras sa mga bata.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mababatid na inaprubahan na ng Department of Health ang rekomendasyon ng vaccine experts na magturok ng booster shots sa mga health workers, senior citizens at immunocompromised individuals.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Batay sa huling datos ng gobyerno, lumalabas na halos 10,000 immunocompromised minors na may edad 12 hanggang 17 sa Metro Manila ang nabakunahan na. //MHEL PACIA-TRINIDAD