Ombudsman, denepensahan ang desisyon na pagbawalan ang pag-access sa SALNs

Denepensahan ni Ombudsman Samuel Martires ang kanyang desisyon na pagbawalan ang pag-access sa statement of assets, liabilities, at net worth ng mga public officials, dahil ang ibang mga offices ay mayroon ring panuntunan para sa paglalabas ng SALNs.

Tanong tuloy ni Martires, bakit siya lang ang sinisisi? at bakit siya lang umano ang sinasabihang lumalabag sa transparency, gayong hindi lang naman umano siya ang nagpapatupad ng ganoong polisiya.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Inihalimbawa ng Ombudsman ang Supreme Court na nagpapatupad rin ng restrictions sa pagpapalabas ng SALNs ng mga justices at huwes, habang ang House of Representatives ay may sariling patakaran rin sa pag-access sa SALNs ng mga mambabatas.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Pag-usisa pa ni Martires, bakit tila sa SALN lang ni Pangulong Rodrigo Duterte, interesado ang publiko.

Sa gitna nito, muling iginiit ng Ombudsman na ang kanyang desisyon na limitahan ang access sa SALNs ay dahil sa mga ulat mula sa intelligence officers at field investigators, na ginagamit lang umano ang SALNs para sa “extortion, harassment, at ilan pang ilegal na aktibidad. //MHEL PACIA-TRINIDAD