Bong Go, isinusulong ang pagbibigay ng fuel discount para sa ‘strategic sectors,’ at suspension sa fuel excise tax

Isinusulong ni Senator at vice-presidential aspirant Bong Go ang fuel discount sa “strategic sectors” gaya sa mga public transportation at food deliveries, maging sa suspension ng excise tax sa fuel.

Ayon kay Go, sa pagbibigay ng discount o subsidy, mas mapapagaan umano ang bigat na dulot ng pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag ng senador, makakatulong rin ito na makontrol ang posibleng pagtaas sa persyo ng pagkain at iba pang basic necessities na nakadepende sa transportasyon mula sa producers papunta sa markets at consumers.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

“Mandato nating nasa gobyerno na pagaanin ang bigat na dinadala ng ating mga kababayan, lalo na ngayong meron pa tayong krisis na pilit malampasan. Huwag na nating dagdagan ang pahirap sa kanila,” pahayag pa ni Go.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Maliban dito, hiniling ni Go sa gobyerno na pag-aralan rin ang posibleng pag-amyenda sa kasalukuyang batas upang mapahintulutan ang temporary suspension ng fuel excise tax sa panahong masyadong mataas ang presyo ng langis sa world market.

“Pag-aralan din natin ang posibleng pag-amyenda sa kasalukuyang batas upang mapahintulutan ang temporary suspension ng fuel excise tax sa panahong masyadong mataas ang presyo ng langis sa world market,” dagdag ng Senador.