Bahagyang pagtaas COVID-19 reproduction number sa NCR ‘di dapat ikabahala – OCTA

Pinawi ng OCTA research ang pangamba ng publiko matapos ang bahagyang pagtaas ng COVID-19 reproduction sa National Capital Region.

Mula 0.45 noong Sabado kasi ay naitala ito sa 0.48 sa inilabas na datus ng grupo ngayong Lunes.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David hindi pa umanong masasabing tumataas na ang kaso ng virus sa NCR.

Paliwanag ni David pasok pa rin ang naturang mga numero sa weekly pattern na kanilang nakikita.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Dagdag pa ng grupo bumaba umano ang 7-day average sa Metro Manila na ngayon ay nasa 945 na lamang kumpara noong nakaraang linggo na lagpas isang-libo.