Bakante na ang ekstensiyon ng covid19 patients ward sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital o PRMMH sa bayan ng Iba.
Ito ay dahil sa mabilis na pagbaba ng kaso ng corona virus sa lalawigan at paunti-unti nang nababawasan ang dami ng mga sinusugod sa pagamutan.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel C. Bueno, mas mabilis na ngayon ang ginagagawang vaccination kumpara noong mga nakalipas na panahon kaya nakatulong ng malaki sa pagbaba din ng infection rate sa lalawigan.
Base sa datos ng pho nakaraang October 24, mayroon na lamang 319 ang aktibong kaso sa lalawigan.//Russell Banawa-BNFM IBA