Mahigit 455 na pamilyang apektado ng naka-granular at naka-house lockdown sa lungsod ng Naga, nakatanggap ng food assistance mula DSWD

NAGA CITY – Mahigit apat na 455 pamilyang apektado ng Granular Lockdown at naka House Lockdown ang target na mabigyan ng food assistance ng Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa Naga City.

Ito ay base sa listahan na ibinigay ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) simula Setyembre 28, 2021 hanggang Oktubre 6, 2021 sa pamumuno ni Annabel Vargas, City Social Welfare and Development Officer.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Bawat pamilya ay makakatanggap ng tig-dalawang food box na may lamang bigas, mga de lata at iba pa upang matulungan at matugunan ang mga pangangailangan ng mga pamilyang labis na naapektuhan ng pandemya; 218 sa mga nakagranular lockdown at 237 naman sa mga nakahouse lockdown.

Matatandaang ilang mga Barangay at mga bahay ang isinailalalim sa lockdown dahil sa tumaas ang kaso ng COVID 19 sa lungsod at labis na ikinabahala dahil sa limitado ang paglabas-masok kaya naman bilang supporta ng Local na Gobyerno ito ang naging katugunan katuwang ang DSWD.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Patuloy rin ang kanilang isinasagawang paglilista sa mga nakagranular at house lockdown simula Oktubre 7, 2021 hanggang kasalukuyan.