Minors with comorbidities na nabakunahan vs COVID, umabot na sa higit 5K

Pumalo na mahigit 5,781 ang bilang ng mga menor de edad na may comorbidity na binakunahan laban sa covid-19 sa National Capital Region.

Ito ay batay sa ulat ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ngayong araw.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Ayon kay Galvez, binakunahan ang mga nasabing kabataan sa 8 ospital na itinalaga ng Department of Health (DOH) para sa pagsisimula ng pediatric vaccination sa bansa.

Inaasahan naman ni Galvez na mabilis na tataas ang bilang ng mga mababakunahang menor de edad lalo na at mas marami nang lokal na pamahalaan ang nagbabakuna.

Read More:  Marcos warns LGU officials against corruption in ₱8.6-B disaster funds

Nauna nang naglaan ang gobyerno ng 45,000 doses ng bakuna ng Moderna at Pfizer para pilot implementation ng pediatric vaccination. //MHEL PACIA-TRINIDAD