Apat na miyembro ng Community Terrorist Group na pawang mga tubong masbate sumuko sa PNP Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Apat  na aktibong miyembro  ng CTG o Communist Terrorist Group ang sumuko  kahapon sa mga operatiba ng Camarines Norte PNP sa pamumuno ni PCol Julius Guadamor bitbit ang kani-kanilang mga armas.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada news FM daet, sumuko ang mga NPA sa mismong  mga tauhan ng 3rd Platoonng Camarines Norte 1st Provincial Mobile Force Company

Kabilang si Ka “Adoy”, 44 anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Purok 3 , Brgy. Bagacay, Mobo, Masbate kung saaan bitbit nito ang kanyang armas na isang kalibre .38 na may tatak na Smith and Wesson at naglalaman ng anim (6) na bala. Kasama nito sina Ka “Owen” 35 anyos, residente ng Purok 3, Barangay Baang, Mobo, Masbate bitbit  ang kanyang .45 pistol na naglalaman ng isang (1) magazine, anim (6) na bala para sa  nasabing baril at apat (4) pang magazine para sa kalibre 5.56 na may apatnapu’t apat (44) na bala at isang bandolier;.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bukod dito kasama pa si Ka “King”, 27 anyos, isang mangingisda at residente ng Purok 5, Barangay Bagacay, Mobo, Masbate na may dalang .45 pistol, isang (1) magazine at anim (6) na bala para sa kalibre .45 at dalawampu’t isang (21) bala para sa shotgun at si Ka “Ikong”, 32 anyos, isang construction worker at residente ng Purok 7, Barangay Bagacay, Mobo, Masbate na may bitbit na kalibre .38 na baril na naglalaman ng anim (6) na bala at apat (4) na pirasong Improvised Explosive Devices (IEDs).

Ang mga armas ng mga dating rebelde ay mga walang serial number at nasa kostudiya na ng PNP.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay Col Guadamor, ang mga sumukong rebelde ay mga miyembro ng Larangan 1 (L1), Bicol Regional Party Committee (BRPC), Komiteng Probinsya 4 (KP4), Komiteng Larangan Guerilla 1(KLG1) at ng Rehiyon Yunit Guerilla (RYG) na nagsasagawa ng operasyon dito sa probinsya ng Camarines Norte.

Sa isinagawang Press Briefing, sinabi ni Col Guadamor na ang pagsuko ng mga nabanggit na personahe ay resulta ng malawakan at walang humpay na operasyon ng buong hanay ng kapulisan sa Bicol Region sa pamumuno  ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD, PRO5 kaagapay  ng Armed Forces of the Philippines (AFP)