AJ Raval, humingi ng paumanhin kay Kylie matapos niyang i-share ang post ni Aljur

Humingi ng paumanhin ang content creator at showbiz personality na si AJ Raval sa aktres na si Kylie Padilla.

Ito ay matapos i-share ni Raval ang post ni Aljur Abrenica, na estranged husband ni Kylie, kung saan ay inakusahan ng aktor ang misis nito na unang nangaliwa at sumira sa pamilya nila.

Ayon kay Raval, ibinahagi niya ang post ni Aljur para protektahan ang kaniyang sarili at pamilya, na apektado na rin sa isyu.

Ipinunto niya na inaakusahan siya ng mga tao ng pagiging kabit at homewrecker kahit hindi naman ito totoo.

Nilinaw rin ni Raval kay Padilla na wala siyang intensyon na saktan ang kahit sino.

Ibinahagi rin ni Raval na nais nitong mag-detox mula sa social media dahil bugbog na rin ang kaniyang mental health.

Ipinunto niya na sa susunod na taon na siya babalik sa social media.