Pangulong Duterte, hinamon ang Senado na tapyasan ang pondo ng Executive department

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapyasan ang budget ng mga ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng exectuive branch para sa 2022.

Sinabi ng Pangulo na pwede rin bigyan ng Senado ng zero budget ang Office of the President.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Ipinunto niya na siya pa rin ang mag-aapruba sa pamabsang pondo sa huli.

Ayon sa Pangulo, ginagamit ng mga senador ang budget ng mga ahensya ng gobyerno para pagbantaan ang mga kalihim na hindi nagpupunta sa kanilang mga pagdinig.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Matatandaan na pinagbawal ng Pangulo ang mga kalihim na dumalo sa mga pagdinig ng Senado na may kinalaman sa mga biniling COVID-19 supplies ng gobyerno.