Ibinahagi ng celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson ang kanilang mga litrato na nagpapakita sa kanilang bakasyon sa Boracay na magkasama.
Sa Instagram ay pinost ni Julia ang mga larawan nito kung saan ay makikita ang kaniyang beach body suot ang orange swimsuit.
Sinabi ni Julia sa caption, “keeps getting better every day”
Na-share rin nina Julia at Gerald sa kanilang mga litrato na nagpapakita sa kanilang paghahalikan at sweet moments habang nasa isla.
Nagkaroon rin ng boat tour ang dalawa base sa litrato na ibinahagi ni Gerald sa kaniyang Instagram story.
