Loan term ng Pag-IBIG MPL, pinalawig

KORONADAL CITY- PINALAWIG ng Home Development Mutual Fund (HDMF) – Pag-IBIG ang loan term para sa multi-purpose loan (MPL) program nito.

Ayon kay HDMF- Pag-IBIG Koronadal Branch Head Engr. Marlon Barluado na maaari nang pumili ang mga borrowers kung ilang taon nila gustong bayaran ang kanilang utang.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kung dati ay hanggang dalawang taon lang ang loan term ng multi-purpose loan, ngayon may option na ang mga miyembro na bayaran ito ng hanggang tatlong taon o 36 months.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Inihayag ni Barluado na sa pamamagitan nito, hindi na mahihirapan pa sa pagbayad ang mga Pag-IBIG members lalo na kung malaking halaga ang kanilang inutang.