Panukalang pagbuo ng Agricultural and Bio-systems Engineering Division sa Provincial LGU, ganap nang ordinansa

SORSOGON CITY – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sanguniang Panlalawigan ang ordinansa sa pag-likha ng Agricultural and Bio-systems Engineering Division sa ilalim ng Provincial Government ng Sorsogon.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa ginanap na regular session, naaprubahan ang ordinansa kasabay ng pagkakaroon ng panibagong plantilla para sa hahawak ng nasabing dibisyon.

Layunin ng ordinansa na mas mapalakas pa ang mga programa ng Office of the Provincial Agriculture (OPAG) Sorsogon na ngayon ay nakatutok sa mga livelihood programs na dapat ay sinasabayan umano ng mga makabagong teknolohiya para sa pagpapalakas pa ng sektor ng agrikultura.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan