COVID-19 active cases sa Isabela, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela matapos maitala ang maraming bilang ng recoveries ngayong araw, October 11, 2021.

Naitala ang 349 na mga bagong gumaling mula sa naturang virus ngayong araw gayunman panibagong 334 din ang naitalang new cases.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Habang 8 naman ang naidagdag sa talaan ng mga nasasawi dahil COVID-19.

Kaugnay nito ay mayroong 4, 925 ang total active cases sa probinsya.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Nangunguna pa rin ang lunsod ng Cauayan sa may pinakamataas na kaso na mayroong 409 cases na sinundan naman ng bayan ng Echague na mayroong 399 cases.