UN rights chief, hinimok ang Pilipinas na isapubliko ang drug war probe findings

Hinimok ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang gobyerno ng Pilipinas na isapubliko ang findings ng imbestigasyon nito kaugnay sa drug war killings.

Sa kaniyang update sa UNHRC ay sinabi ni Bachelet na gumawa ang national government ng maraming developments na alinsunod sa joint program nito kasama ang UN.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Ayon sa UN rights chief, nakumpleto na ng DOJ-led inter-agency panel, na naatasang mag-review sa drug killings sa bansa, na makumpleto ang pag-review sa dalawang batch ng drug cases.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Gayunman, inihayag niya na hindi pa ito naisasapubliko.

Umapela rin si Bachelet sa gobyerno na isama ang Commission on Human Rights at iba pang mahahalagang ahensya sa drug war review sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon sa mga kaso at imbestigasyon.