Magnitude-5.2 na lindol tumama sa Batangas

Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa probinsya ng Batangas.

Naitala ang pagyanig kaninang alas-2:14 ng madaling araw.

Naramdaman ang instrumental intensities sa ilang lugar kabilang na ang Intensity II sa Calapan City, at Puerto Galera, Oriental Mindoro; Makati City; at Olongapo City.

Read More:  Remulla urges SC to revisit main plunderer doctrine
Read More:  Philippines named Asia’s Leading Dive Destination for 8th straight year

Intensity I naman ang naramdaman sa Batangas City, at Calatagan sa Batangas; Tagaytay City; Cavite; Plaridel, Bulacan; at Marikina City.

Ipinunto naman ng state seismologists na wala na itong inaasahang aftershocks o pinsala.