Albay farmers nakatanggap ng 1 million worth na hauling trucks

LEGAZPI-Natanggap na ng mga magsasaka sa lalawigan ng Albay ang hauling trucks mula sa Department of Agrarian Reform Regional Office V na nagkakahalaga ng Php 1.07 million pesos.

Bawat isa ng Suzuki Carry Trucks ang nagkakahalaga ng Php 539,000.00 at binigay sa Southern Legazpi Urban Barangays (SLUB) partikular na sa Bgy. Banquerohan, Legazpi City, at Masarawag Composite Farmers’ Association (MACFA) sa Bgy. Masarawag, Guinobatan, Albay.

Read More:  MV June Aster fire death toll rises to 76 in Palawan, 13 remain missing

Ang nasabing mga trucks umano ang parte ng dagdag kagamitan para sa mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa ilalim ng Linking Smallholder Farmers to Markets (LinkSFarM) program ng Department of Agrarian Reform (DAR) para makatulong sa maliliit na magsasaka sa pagpaparami ng kanilang production.

Read More:  Barili LGU SUV hits bicycle, killing 10-year-old boy in Cebu

Ayon sa ahensya, naibigay ng nasabing ekipahe, ito ay dahil sa request ng nasabing dalawang organisasyon para masa mapadali ang pagtransport ng kanilang mga produkto.