DOH hahanap ng access para sa experimental antiviral pill na Molnupiravir

Handa umano ang Department of Health na gumawa ng paraan para makakuha ng experimental antiviral pill na Molnupiravir sakaling mapatunayang mabisa ito panlaban kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kapag may ganitong investigational drug ay agad naman umanong nakikipag-ugnayan ang DOH para sa posibleng pag-access nito.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Sa inisyal na datus ng drug manufacturer na Merck and Co. sinasabing nababawasan umano Molnupiravir ang tiyansa ng pagkamatay ng mga taong natatamaan ng severe COVID-19.

Itinuturing naman ng ilang eksperto bilang ‘potential breaktrough’ ang naturang gamot sa pagpapagaling ng corona virus patients.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Nabatid na ilang mga bansa sa Asya ang nakikipag uganayan na sa Merck and Co. para sa posibleng pagbili ng molnupiravir kabilang na ang Thailand, South Korea, Taiwan, at Malaysia.