Ikatlong nasawi dahil sa covid-19 sa Batanes, naitala

Muling nakapagtala ang lalawigan ng Batanes ng isang nasawi dahil sa COVID-19.

Ito na ang ikatlong COVID-19 death ng lalawigan.

Ang nasawi ay isang lalaki na 56-anyos at residente ng San Antonio, Basco, Batanes.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang pasyente ay nasawi noong Sabado, October 2, 2021 dahil sa acute respiratory secondary to pneumonia severe high-risk secondary to critical COVID-19.

Sa huling datos ng Batanes COVID-19 Task Group, mayroon ng 542 ang kabuoang aktibong kaso ng probinsya kung saan 7 rito ang critical na naka-admit sa Batanes General Hospital habang ang isa ay inilipat sa Cagayan Valley Medical Center.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Walo naman ang severe, 11 ang moderate at 517 ang mild cases.

Samantala, nakatakda namang matapos ngayong araw ang ECQ status ng lalawigan alinsunod sa EO no. 25.