Comelec Cauayan City, may paalala sa mga naghain na ng COC

Pinaalalahanan ng COMELEC Cauayan City ang mga naghain na ng kanilang mga certificate of candidacy na tatakbo para sa 2022 local elections na hindi pa maaring mangampanya sa ngayon.

Ito ang inihayag ni Atty. Jerbee Anthony Cortez, Asst Regional Director ng COMELEC Region 2 at OIC Election Officer ng COMELEC Cauayan sa naging panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon sa kaniya, ang kampaniya para sa local positions ay 45 days bago ang nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Aniya, bagaman hindi pa pwedeng mangampanya ngayon ang mga kakandidato ay hindi rin naman umano ipinagbabawal na lumabas at magpakikilala ang mga ito.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa ngayon, mayroon nang naghain na isa para sa pagka-alkalde, isa sa bise-alkalde at sampong city councilor sa lunsod ng Cauayan. Sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin aniya sila ng mga iba pang maghahain ng COC kung mayroon pa dahil hanggang October 8, 2021 pa naman ang huling araw ng filing ng kandidatura.